Huwebes, Hunyo 27, 2013

MASSCOM E!

maingay, madaldal, walang hiya, balahura ang bibig, chismosa, makulit, layas, ---> mga ugali daw ng mass communication students? hala tayo jan! totoo naman hahahaha naalala ko pa, pag naglalakad kami tuwing uwian, ang iingay ng batch namin, at pagdating sa isang department na kulong ang boses namin pag nagsasalita kami, may biglang iimik samin ng "Nursing tayo guys ha" hahaha nandadamay ng ibang department! :D pero sa totoo lang, mahirap ang maging kami! ang alam ng marami, magaling lang kami sa salita, ingay dito, ingay doon, pero ang totoo, multi-tasking ang peg namin! napaka broad ng field na pwede namin pasukin, sobrang flexible ng course namin kaya dapat kaya naming mahandle ang oras namin! anytime on duty ka, ang pag tanggi sa isang trabaho specially nasa field ka is a big no no para saamin! as a journalist, hindi kailangan ng ingay mo, ang kailangan ay boses na may sense! bibig na totoo at personalidad na may paninindigan at nasa serbisyong totoo lamang. bente kwatro oras! keme hahaha natatawa ako pag naalala ko nung freshmen palang kami, tanong samin ng prof namin, "Why Masscom?" ang sagot namin halos pare-pareho, kesho "kasi po kumakanta ako, gusto ko pong sumayaw, mahilig ko ako mag gitara, umaarte po ako" at syempre, may outstanding reason na hindi nawawala sa mga masscom! "AYOKO PO NG MATH" hahahaha TRUE! o TRUE? hays, basta ang point ko, hindi kami basta-basta, kung mahirap maging kayo, mahirap din maging kami! kaya kwits lang tayo mga dre! KEME hahahaha

KITA NYO NAMAN! :D
HAHAA TAWA AGAD? masaya lang :D inspired kasi e :)) ang daming cheezy lines! ang daming banat! ang daming pwedeng magpakilig sa isang tao! pero sakin, sya lang okay na :)) hala ano to? ang korni ko! (lagi naman) :D sabi nila, sagabal sa pag aaral ang pag bbf/ gf, pero depende pala talaga yon, based kasi sa nararamdaman ko, nakakatulong sya sakin para maging maganda ang flow ng bawat araw ko, :) maraming dahilan ang pag gising ko araw-araw, pero sya lang ang dahilan kung bakit ako kinikilig araw-araw :) <3 (landi e) hahaha bakit? bf ko naman ah! :D noong una, takot ako mag bf kasi baka masktan lang ako, ngayon ang mawala sya ay isa sa kinatatakutan ko :) Isa na sya sa inspirasyon ko para maging masaya araw-araw, minsan may tampuhan, pero hindi nawawala ang lambingan :) (eeeeeeeeeeeeeehhh hahaha) LDR kami, (long distance realtionship) pero tumagal na kami ng 1 year and 2 months :) oooppppsss! hindi sapilitan yan ha :D kusang loob na pagmamahal yan! keme! hahaha oo minsan lang kami mag kita pero masaya parin ako sakanya :) ang lakas ng loob ko mag post ng ganito dito diba, kasi wala naman aking follwer! HAHAHAHA so ma'am po ba yan! tayo l;ang ang makakakita nito! thenkyow pows! :D
                                   THERE'LL BE NO SUNSHINE IF I LOOSE YOU BABY <3

DEAR THESIS :)

Hello po, kamusta ka na? ako okay lang ako, eto, nag aaral para maipasa ka, naku wag ka mag alala, kakayanin ko to, :) hmm ha? mahirap ka gawin? hindi! pipilitin kong padaliin ka! basta ba iingatan mo ako ha, wag mo ko ilalaglag ha, nagsimula na nga tayo diba, approved na ang title mo! sa wakas diba! :D advantage pa nito, gusto ko talaga yung topic mo :D ayan, nag sisimula ka ng maglakbay kasama ko, matagal-tagal din tayong magsasama at mag aalalayan, isa ka sa magiging daan ko para makamit ko ang mga pangarap ko, sa pagkakataong ito, hindi ko hahayaang hindi ka maipasa dahil nakasalalay sayo ang kinabukasan ko, sa puntong ito ng buhay ko, kasama ang ibang mga asignatura, ibibigay ko ang buong puso ko para lang magawa ka ng tama at maipagmalaki na natapos kita ayon sa deadlines at requirements na ibibigay ng prof ko dito, mamahalin kita gamit ang puso ko at gaya nga ng sabi nila, pag nagmamahal ka, gagawin mo ang lahat para lang magawa mo ang mga nararapat para sakanya na tungo sa pag unlad ng isang indibidwal. Pero syempre hindi tayo magsasama habang-buhay! hahahaha tatapusin kita para maging isa sa maipagmamalaki ko habang ako ay nabubuhay. :)

     SO THESIS, PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART :) <3

ANG LARAWAN NG KABALIKTARAN NA NAGDULOT NG KASIYAHAN

Bawat tao may kanya-kanyang kinakukyuryusan, teka, ang hirap nung salitang yun ha! pero mas mahirap isipin kung ang tanong mo ay ganito. "Kung naging LALAKI o BABAE kaya ako, ano kayang itsura ko? mapwera nalang kung mag pagbabasehan ka o may kapatid ka na kabaliktaran ng kasarian mo, pero hindi e! gusto ko yung ako mismo! teka, gwapo kaya ako? tsk. ang hirap! kontento ako sa pagkababae ko, pero gusto ko makita ang itsura ko kung naging lalaki ako :D pero di ko akalain na sa isang iglap, makikita ko ang itsura ko, wala na ngang imposible ngayon, lahat nagagawa na, pero mabalik ako sa punto ko, totoo, nakita ko itsura ko kung naging lalaki ako! at ANG SOYO SOYO! HAHAHA dahil tawa kami ng tawa ng buong barkada nung nakita namin ang kinalabasan! nakipagpalit ako ng mukha saaking kaeskwelang halos mag lalabing-apat na taon ko ng kaklase! si Rency! grabe no? ang tagal na! hahaha oooops! destiny? hindi po! :D dami na kasi nagsasabi e! pero friends lang po kami,  you know HAHAHA tsaka may magagalit. ang ka love team nya, keme hahaha pero teka, eto na nga! gusto nyo din siguro makita diba? hahaha basta!


        ANG LARAWANG ITO ANG MINSANG NAGBIGAY SAYA SA BUONG BARKADA :D