Huwebes, Hunyo 27, 2013

MASSCOM E!

maingay, madaldal, walang hiya, balahura ang bibig, chismosa, makulit, layas, ---> mga ugali daw ng mass communication students? hala tayo jan! totoo naman hahahaha naalala ko pa, pag naglalakad kami tuwing uwian, ang iingay ng batch namin, at pagdating sa isang department na kulong ang boses namin pag nagsasalita kami, may biglang iimik samin ng "Nursing tayo guys ha" hahaha nandadamay ng ibang department! :D pero sa totoo lang, mahirap ang maging kami! ang alam ng marami, magaling lang kami sa salita, ingay dito, ingay doon, pero ang totoo, multi-tasking ang peg namin! napaka broad ng field na pwede namin pasukin, sobrang flexible ng course namin kaya dapat kaya naming mahandle ang oras namin! anytime on duty ka, ang pag tanggi sa isang trabaho specially nasa field ka is a big no no para saamin! as a journalist, hindi kailangan ng ingay mo, ang kailangan ay boses na may sense! bibig na totoo at personalidad na may paninindigan at nasa serbisyong totoo lamang. bente kwatro oras! keme hahaha natatawa ako pag naalala ko nung freshmen palang kami, tanong samin ng prof namin, "Why Masscom?" ang sagot namin halos pare-pareho, kesho "kasi po kumakanta ako, gusto ko pong sumayaw, mahilig ko ako mag gitara, umaarte po ako" at syempre, may outstanding reason na hindi nawawala sa mga masscom! "AYOKO PO NG MATH" hahahaha TRUE! o TRUE? hays, basta ang point ko, hindi kami basta-basta, kung mahirap maging kayo, mahirap din maging kami! kaya kwits lang tayo mga dre! KEME hahahaha

KITA NYO NAMAN! :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento