Miyerkules, Oktubre 9, 2013

mahal na nga ba kita? :)

di ako mapakali pag wala ka, napupuyat ako dahil sa kakaisip sayo, minsan di na ko makakain para lang alamin kungokay ka, maayos ka ba? ang hirap mawalay sayo kasi hinahanap-hanap kita, pag wala ka sakin parang gumuguho ang mundo ko, naiiyak. ang hirap ng wala ka, minsan nga di na ko nagpapahinga sa kakaasikaso sayo, okay lang, inaayos mo din naman ako e, minsan di kita maintindihan pero pilit parin kitang inuunawa, dumadating sa puntong ayoko na, bibitiw na ko pero naiisip ko pag ginawa ko yun, parang bumitiw na din ako sa buhay ko. hanggang sa ang saya saya ko pag maayos ka, pag naiintindihan nakita, pag di ko na kailangan mag hanap ng iba dahil anjan ka na, handa at kaya kong panindigan sa harap ng marami, matanong man sila tungkol sayo, alam ko ang mga isasagot ko. OH THESIS! MAHAL NA NGA YATA KITA! :D

Thesis ko, love ko :)

Nung 3rd year ako, sabi ko "pano kaya mag thesis? mahirap yata yon!" kaya naman takot ako sa thesis, pero ngayon, naeenjpy ko sya, lalo na ang topic ko, nung natapos na namin gawin ang chapter 1-3, sabi ko sa sarili ko, "WOW, nakasurvivve ka Ma.Joi!, di lang basta survive! survive na survive!" kasi naman! nakapag defense din ako! :D ang saya pala nito, natututo ako magsulat at maging resourceful, though nagagawa ko naman yun sa ibang subject pero iba talaga ang pressure na dala ng thesis subject, parang pag di ka gumalaw, di na din gagalaw ang mundo mo, lalo na ngayon sembreak na, ang dami ko ng pwedeng puntahan at paghandaan para sa thesis ko.hays, minsan nasasabi ko nalang "kahit na sinasabi nilang ikaw ang sagabal sa pangarap ngiba, sakin ikaw ang daan" :) :D :D :D

Sugat

nagbukas ng lata ang kaklase ko nung shoot namin, hinawakan ko, yung matilos na bumukang bukana ng lata ay napasabit sa balat ng hintuturo ko na nauwi sa at, hindi malaki ngunit malalim na pagkabaon sa laman, dugong hindi inaasahang biglang lalabas, tumutulo at hindi tumitigil, mapula-pula, mapula, at mapulang mapula, sunod-sunod na kulay ng dugo na lumalabas sa aking daliri. -yan ang nangyari nung nasugatan ako nung shoot namin HAHAHA

si manong nawawala

nung minsan, paalis ako ng bahay. nakakita ako ng matandang naglalakad sa may harap ng bhouse namin, maganda ang sapatos nya, puti at mukhang mahal, sabi ko sa sarili ko, kailangan talaga ng ganyan ng mga magtitinda para di sumakit ang paa nila, per pagtingin ko sa dala ni manong, hindi tinda nag dala nya kundi bagahe, para syang galing byahe, si ganito na ang nangyari, naglakad ako ng naglakad, ng makasabay ko sya, bigla nya ko tinanong, "nene mnalayo pa ba to sa sm?" sabi ko naman mejo po, tinanong nya ko kung saan ang daan, timuro ko naman, nasa harvardt st. pa kami non, and nakwento nya na na nakuhaan sya ng wallet sa grand, pamanlia daw sana sya, galing pa syang Gumaca pero yun nga, nadukutan kaya bumaba nalang sya kasi dito lang daw sya may kakilala, at sa dalahican pa nya pupuntahan, hindi nya rin alam kung san ang dalahican kaya't humingi sya sakin ng tulong, tinulungan ko sya, binigyan ko ng pamasahe, sabi ko manong abot na yan don po, pero alam nyo ba, di sya sumakay, nakita ko sya nung sumakay na ko ng jeep na may dala na syang tubig, di nya pinamasahe ang pera dahil sa tubig though kasya parin yung pera papuntang dalahican. naalala ko ang sabi nya, ginuton na daw sya sa grand kaya't nagpasya na syang maglakad, ibig sabihin nung nakita ko sya e galing na syang grand. naawa ako sakanya, kaya minsan napapatanong ako, "MANONG, NASAN KA NA PO KAYA?"

LAST week of semester!

ayaaaaaaaaaannnnnnnn! last week of semester na!!!! naaamoy ko na ang sembreak! ng kauntian hahah may schedule na agad sa sabado e! kakaloka, 1 month din yata yon! sobrang gandang pagkakatyaon para mapag aralan pang mabuti ang thesis ko. for sure ganun din ang gagawin ng classmates ko :D ang saya kasi 1 sem nalang, graduation na!!!!!! hello real world na kami! kaya naman sa mga kaklase ko, go go go lang tayo guys! we are the true champion of the world hahaha yeah!

MASARAP NA PAGKAPAGOD :D

hAYS, AYAN NA, LAST WEEK NA NG SEMESTER, FIRST SEMESTER SYEMPRE! PERO ETO! ANG DAMING GAWA HAHAH TINATAWANAN NALANG PARA GUMAAN, PERO NAISIP KO DIN NAMAN NA MAS MASARAP MARAMDAMAN ANG PAHINGA KUNG GALING KA TALAGA SA ISANG MATINDING PAGOD. PAGOD NA ALAM MONG DI AGAD AGAD MAKAKAYA NG IBA, SYEMPRE! KAYA NAMIN ANG PAGOD NA SINASABI KO! MASCOM E! HAHAHA NUNG MINSAN NGA MAY NAGTANONG SAKIN NA TAGA IBANG DEPARTMENT, "BAKIT ANG DAMI NYO PARING GAWA? BAKITA KAMI WALA?" ANGNASAGOT KO NALANG E "KAILANGAN E, TSAKA SANAY NA KAMI" SABA'Y NGITI AT ALIS, HAHA TO THINK NA GRADUATING NA DIN SYA, MAGANDA DIN KASING ORACTICE TO, NAPAPAGOD KAMI NG GANITO KAYAT NASASANAY NA KAMI AT HINDI NA KAMI MASHOSHOCK IN THE NEAR FUTURE :)

Miyerkules, Agosto 7, 2013

MGA KASABIHAN

GRADUATING STUDENTS! yan ang tawag samin ngayon! hahaha tapos biglang may babanat ng "sigurado ka bang gagraduate ka?" gagawin naman nnung sinabihan e kakatok sa kahoy, pangontra daw! minsa naman, wag ng tumuloy sa happenings! graduating daw e, malapit sa disgrasya, ang mangyayari, stay nalang kunng saan. minsan naman umiiral ang katamaran! oo normal yon sa lahat pero grabe, sa panahaon ngayon, pag tamad ka, baka tamarin din ang kinabukasan mo! baka tamarin din ang pagdating ng diploma mo/ ang daming dapat gawin! ang aming bawal gawin! mga kasabihan at pangitain! kailangang labanan para makamit ang magandang kinabukasan! GO MC IV! kaya natin to! :*

AKO AY PILIPINO

Korea, Thailand, dalawang bansang ang lakas makakuha ng attensyon ng mga pinoy pagdating sa mga telenovela. Mga pinoy nga sapilitan pang magustuhan ang sariling teleserye o soap opera pero ang dalawang bansang to, isang palabas lang, hit na agad! aminado ako, ang galing naman kasi ng mga pakulo nikla, nakakakilig talaga at sobbrang hindi mabigat panuorin! kaabang-abang at para bang malulunod ka kung di mo mapapanuod ang kasunod kasi bitin! luha an sing puno ng isang baso ang lalabas sayo sa oras ng iayakan, ang tawang walang humpay sa oras ng tawanan. pero bakit ganon? pilipino ako pero nahuhumaling ako sa ibang bansang produkto? siguro kasi wala akong makitang ganon dito sa Pinas kaya nahuhumaling nalang ako kung saan ako masasatisfy. natatakot lang akong malamaon ng sistemang ganito. kayat hamon ito sa mga Pilipinong papasok sa modernong panahon ng media upang tapatan ang mga ganitong uri ng palabas ng ibang bansa para sa sariling palaas naman tayo maadik, hindi sakanila. PILIPINO TAYO! PILIPINO AKO!

PAPA JACK IMPACT

Ang wierd! ang lakas ng impact ni papa jack sakin nung minsan! ewan ko! di naman ako nakakarelate don sa kwento ng isang caller, ang gulo nga ni ate e, pati si papa Jack naguguluhann sakanya. hahaha to the point na badtrip na sya, kasama nya non si chico loko e, imagine naman kasi, si ate tumawag, yun pala may plano na kung ano gagawin nya para masolve ang problem nya! hahaha tapos di pa nakikinig sa advice nina papa jack at chico loco, di pati tanda! ewan ko lang kung napakinggan nyo yung segment na yon. tapos yon, di mawala sa isip ko ang boses ni papa jack! di ako inlove kay papa jack, di ko sya gusto but his voice keeps on talking inside my mind. kaya yon! siguro kasi matalas lang ang memory ko nung gabing yon kaya pati boses ni papa jack di ko malimutan HAHAHA hays, pero ngayon di na naman,  naalala ko lang kaya diretso na sa blog haha baka kasi mangyari din sainyo, atleast dalawa na tayo LOL

BUHAY GRADUATING

Buhay graduating, ang daming natutuwa pag tinatanong ako, anong year ko  na daw sa college, sabi ko naman graduating na po! tapos ang sarap tingnan ng ngiti nila kasi sasabihin nila wow, matatapos ka na, ang sarap sa pakiramam na may natutuwa sa mga narating mo, ayan na, malapit ko ng makamit ang matagal ko ng hinihintay, sana hindi ito mawala at sana ay walang humadlang sa pagtupad ng pangarap kong ito. Alam ko namang hindi ito para sa ibang tao lang kundi para srin sa sarili ko, sarilikong maibangon sa pagkakakulong sa kahapon na may malulungkot na pagkakasawi sa iba't-ibang bagay. pero ngayon nandito na ang isang tagumpay na padating napapawi sa lahat ng pahkakasawi noon, isang diplomang unti-unti ng naglalakbay patungo saaking mga kamay. hihintayin kita sa pag graduate ko ngayong taon akinng diploma! :) isang matamis na ngiti mula sa isang batang may pangarap :)

LITRATO NG PAGMAMAHAL

GRABE! HINDI AKO PREPARED! hahahaha  pero ang saya! PHOTOSHOOT kasi and we all know that MASS COMMUNICATION STUDENTS LOVES CAMERA! hahaha pero during photoshoot, ang daming bagong alaala ang naganap, nagawa at hindi malilimutang pagsasama at pag pose sa camera HAHAHA ang sarap sa pakiramdam ng may mga kaibigan ka na nandyan kapag alam nilang may kulang sayo, sila ang nagpupuno. grabs! drama nun diba hahaha e wala akong damit! ayun! may nagpahiram, e kulang ako sa make-up, ayun! may nagpahiram ulit! e kulang ako sa accessories, ayun! may nagpahiram nanaman! kahulihan e kulang ako sa pagmamahal, ayun! pinuno nila! :D ayieee.. hindi lang basta picture ang mananatili sakin kundi ang pakiramdam ng nakasama ko sila. sila ang malaking bahagi ng buhay ko. mga kaibigan :)
hindi ko alam perot trip na trip ko ngayon ang mag ayos ng buhok. grabe, kung ano ano na ang ginawa ko sa buhok ko, nagpakulay, nagpakulot, nagpa-rebond, tapos pakulay ulit, ngayon bagong wahi, at sa gitna pa! hahaha ewan ko ba! kung ano naiisip ko. psych people, can you help me to analyze my self? keme hahaha syempre alam ko kung bakit, kasi gusto ko ng bago! bagong look at bagong buhok. :)) ayan, paiba-iba ang look ko, pero syempre hindi ang pagkatao ko. LOL lalim din nun! :D hairtrip!:D

Lunes, Hulyo 1, 2013

Is Desktop Publishing Needed To Do Graphic Design Training?

That is a very wonderful question, and I would say Yes it is needed for desktop publishing to do Graphic Design Training to enhance the skills that an individual already have. As we all know as media practitioners, Graphic Design is an art or skill of combining text and pictures in advertisements, magazines, or books. We really need to know about all of this to be a better one in our field in the near future. In our field, we don't only need to be smart, but we also need to be creative, knowledgable and have guts to achieve the taste of our target audiences in our chosen field. So Graphic Design trainings helped people involved in desktop publishing subject to experiment, explore, learn and to be more updated in new things to improve this kind of skills. thankyou :D

Huwebes, Hunyo 27, 2013

MASSCOM E!

maingay, madaldal, walang hiya, balahura ang bibig, chismosa, makulit, layas, ---> mga ugali daw ng mass communication students? hala tayo jan! totoo naman hahahaha naalala ko pa, pag naglalakad kami tuwing uwian, ang iingay ng batch namin, at pagdating sa isang department na kulong ang boses namin pag nagsasalita kami, may biglang iimik samin ng "Nursing tayo guys ha" hahaha nandadamay ng ibang department! :D pero sa totoo lang, mahirap ang maging kami! ang alam ng marami, magaling lang kami sa salita, ingay dito, ingay doon, pero ang totoo, multi-tasking ang peg namin! napaka broad ng field na pwede namin pasukin, sobrang flexible ng course namin kaya dapat kaya naming mahandle ang oras namin! anytime on duty ka, ang pag tanggi sa isang trabaho specially nasa field ka is a big no no para saamin! as a journalist, hindi kailangan ng ingay mo, ang kailangan ay boses na may sense! bibig na totoo at personalidad na may paninindigan at nasa serbisyong totoo lamang. bente kwatro oras! keme hahaha natatawa ako pag naalala ko nung freshmen palang kami, tanong samin ng prof namin, "Why Masscom?" ang sagot namin halos pare-pareho, kesho "kasi po kumakanta ako, gusto ko pong sumayaw, mahilig ko ako mag gitara, umaarte po ako" at syempre, may outstanding reason na hindi nawawala sa mga masscom! "AYOKO PO NG MATH" hahahaha TRUE! o TRUE? hays, basta ang point ko, hindi kami basta-basta, kung mahirap maging kayo, mahirap din maging kami! kaya kwits lang tayo mga dre! KEME hahahaha

KITA NYO NAMAN! :D
HAHAA TAWA AGAD? masaya lang :D inspired kasi e :)) ang daming cheezy lines! ang daming banat! ang daming pwedeng magpakilig sa isang tao! pero sakin, sya lang okay na :)) hala ano to? ang korni ko! (lagi naman) :D sabi nila, sagabal sa pag aaral ang pag bbf/ gf, pero depende pala talaga yon, based kasi sa nararamdaman ko, nakakatulong sya sakin para maging maganda ang flow ng bawat araw ko, :) maraming dahilan ang pag gising ko araw-araw, pero sya lang ang dahilan kung bakit ako kinikilig araw-araw :) <3 (landi e) hahaha bakit? bf ko naman ah! :D noong una, takot ako mag bf kasi baka masktan lang ako, ngayon ang mawala sya ay isa sa kinatatakutan ko :) Isa na sya sa inspirasyon ko para maging masaya araw-araw, minsan may tampuhan, pero hindi nawawala ang lambingan :) (eeeeeeeeeeeeeehhh hahaha) LDR kami, (long distance realtionship) pero tumagal na kami ng 1 year and 2 months :) oooppppsss! hindi sapilitan yan ha :D kusang loob na pagmamahal yan! keme! hahaha oo minsan lang kami mag kita pero masaya parin ako sakanya :) ang lakas ng loob ko mag post ng ganito dito diba, kasi wala naman aking follwer! HAHAHAHA so ma'am po ba yan! tayo l;ang ang makakakita nito! thenkyow pows! :D
                                   THERE'LL BE NO SUNSHINE IF I LOOSE YOU BABY <3

DEAR THESIS :)

Hello po, kamusta ka na? ako okay lang ako, eto, nag aaral para maipasa ka, naku wag ka mag alala, kakayanin ko to, :) hmm ha? mahirap ka gawin? hindi! pipilitin kong padaliin ka! basta ba iingatan mo ako ha, wag mo ko ilalaglag ha, nagsimula na nga tayo diba, approved na ang title mo! sa wakas diba! :D advantage pa nito, gusto ko talaga yung topic mo :D ayan, nag sisimula ka ng maglakbay kasama ko, matagal-tagal din tayong magsasama at mag aalalayan, isa ka sa magiging daan ko para makamit ko ang mga pangarap ko, sa pagkakataong ito, hindi ko hahayaang hindi ka maipasa dahil nakasalalay sayo ang kinabukasan ko, sa puntong ito ng buhay ko, kasama ang ibang mga asignatura, ibibigay ko ang buong puso ko para lang magawa ka ng tama at maipagmalaki na natapos kita ayon sa deadlines at requirements na ibibigay ng prof ko dito, mamahalin kita gamit ang puso ko at gaya nga ng sabi nila, pag nagmamahal ka, gagawin mo ang lahat para lang magawa mo ang mga nararapat para sakanya na tungo sa pag unlad ng isang indibidwal. Pero syempre hindi tayo magsasama habang-buhay! hahahaha tatapusin kita para maging isa sa maipagmamalaki ko habang ako ay nabubuhay. :)

     SO THESIS, PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART :) <3

ANG LARAWAN NG KABALIKTARAN NA NAGDULOT NG KASIYAHAN

Bawat tao may kanya-kanyang kinakukyuryusan, teka, ang hirap nung salitang yun ha! pero mas mahirap isipin kung ang tanong mo ay ganito. "Kung naging LALAKI o BABAE kaya ako, ano kayang itsura ko? mapwera nalang kung mag pagbabasehan ka o may kapatid ka na kabaliktaran ng kasarian mo, pero hindi e! gusto ko yung ako mismo! teka, gwapo kaya ako? tsk. ang hirap! kontento ako sa pagkababae ko, pero gusto ko makita ang itsura ko kung naging lalaki ako :D pero di ko akalain na sa isang iglap, makikita ko ang itsura ko, wala na ngang imposible ngayon, lahat nagagawa na, pero mabalik ako sa punto ko, totoo, nakita ko itsura ko kung naging lalaki ako! at ANG SOYO SOYO! HAHAHA dahil tawa kami ng tawa ng buong barkada nung nakita namin ang kinalabasan! nakipagpalit ako ng mukha saaking kaeskwelang halos mag lalabing-apat na taon ko ng kaklase! si Rency! grabe no? ang tagal na! hahaha oooops! destiny? hindi po! :D dami na kasi nagsasabi e! pero friends lang po kami,  you know HAHAHA tsaka may magagalit. ang ka love team nya, keme hahaha pero teka, eto na nga! gusto nyo din siguro makita diba? hahaha basta!


        ANG LARAWANG ITO ANG MINSANG NAGBIGAY SAYA SA BUONG BARKADA :D